top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

RESBAKERS NA E-PAINTERS, HANDA KAYA ANG HOTSHOTS?

  • Clyde Mariano
  • Apr 24, 2019
  • 2 min read

DALA ng dalawang su­nod na panalo at naitabla ang laro sa 2-2, puntirya ng Mag­nolia Hotshots ang pangat­long sunod na panalo at lumapit ng isang hakbang sa finals sa muling pakikipag­salpukan sa skidding Rain or Shine sa pivotal Game 5 ng Philippine Cup ngayon sa Cuneta Astrodome.

Pipilitin ng highly ener­gized Hotshots na muling talunin ang Elasto Painters sa kanilang laban ng 7 p.m. at abot-kamay ang final seat at hintayin ang mananalong sinuman sa defending cham­pion, San Miguel Beer at Phoenix, na naglalaban sa hiwalay na best-of-seven se­mifinal series.

Sa dalawang sunod na panalo, napunta ang momen­tum sa Magnolia at tiyak na sasamantalahin ni coach Chito Victolero ang bentahe upang mapalapit sa pintuan ng finals at palakasin ang pangalawang sunod na titulo matapos sungkitin ang Go­vernor’s Cup at hinirang na PBA Press Corp “Coach of the Year” para masapawan si coach Leo Austria.

Mababa ang fighting spirit ng RoS sa dalawang sunod na kabiguan matapos kunin ang first two games. Ito ngayon ang mabigat na suliranin ni coach Caloy Garcia kung paano niya maibabangon ang nakalug­mok na Elasto Painters at manumbalik ang sigla ng laro.

“The two straight wins indeed bolstered the morale of my players. They are de­termined to win to inch closer to the finals. I remin­ded my players after winning Game 4 to play another head up to inch closer to the finals,” sabi ni coach Chito Victolero.

Sa kabila ng talo sa dala­wang sunod na beses ay may tiwala pa rin si RoS coach Caloy Garcia at aniya reres­bak sila at ipadarama sa Mag­nolia ang lupit ng kani­lang paghihiganti. “We will bounce back. That’s for sure. My players are determined to get back at them,” sabi ni Garcia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page