top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

May karapatan lang sa mga isda, minerals etc. — UN | ‘PINAS, ‘DI PAG-AARI ANG WEST PH SEA

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 24, 2019
1 min read

SA gitna ng naval parade sa Qingdao ngayong linggo na tinatayang pinakamalaking eksibisyon ng China upang ipakita ang kakayahang pandagat nito, ipinaalala ni dating Defense Minister at Senate President Juan Ponce Enrile na ang nananaig na batas sa West Philippine Sea ay ang pamamahala base sa puwersa.

Ang mahalaga umano sa kalakaran sa gitna ng mga bansa ay ang kakayahang military. Sa isyu ng WPS, ang mananalo umano sa pagtatalo ay dedepende sa kung ilan ang mga barko, fighter jets at sundalo ng isang bansa.

Iba umano ang “territorial waters” ng bansa sa sinasabing “core territory” nito.

Ang kinilala ng United Nations (UN) Convention on the Law of the Seas ay ang “territorial waters” ng Pilipinas na aabot ng 200 miles mula sa ating mga dalampasigan.

Sa loob ng zone na ito, may tinatawag na “exclusive economic zone” ang bansa.

“Lahat ng isda d’yan, lahat ng minerals diyan sa ilalim ng tubig na ‘yan, we have the economic right not the political right,” paliwanag ni Enrile.

Ang naipanalo umano ng Pilipinas sa korte ng UN ay ang karapatan upang gamitin ang nasabing economic zone, ngunit, hindi ibig sabihin nito na may ganap na pag-aari na ang Pilipinas sa pinagtatalunang lugar.

“It’s not part of the territory of the Philippines,” pahayag ni Enrile. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page