Magkakasunod na lindol dapat seryosohin, period!

ISA tayo sa naniniwalang may malaking tsansa na gumalaw ang alinman sa kinatatakutang Marikina Valley Fault, Manila Trench o ang napakahabang Philippine Trench.
Tatlong magkakasunod na lindol sa magkakahiwalay na lugar ang maaaring magbigay dito ng pressure!
◘◘◘
SA loob ng 30 oras, magkakasunod ang pagyanig nang Magnitude 5-6 sa Central Luzon, Calabarzon (Batangas) at Eastern at Central Visayas.
Hindi biro ‘yan!
◘◘◘
HINDI biro ang paglindol na Magnitude 6.1 sa Zambales at Samar, kaya ang Magnitude 5 sa Batangas ay masasabing hindi ordinary kasi natriplehan ito ng dalawang malakas na lindol.
Ang Magnitude 7 o Intensity 7 ay super earthquake na nagpaguho sa Ruby Tower noong 1972 mas mahina sa Magnitude 8 noong 1990 na bumuhay sa Mt. Pinatubo at nagpaguho ng maraming gusali sa Baguio at Nueva Ecija!
◘◘◘
DAPAT masuri ang posibleng epekto ng 3 malalakas na lindol sa loob lamang ng isang araw.
Imbes na aftershocks ang abangan, maaari itong ituring na “pre-shocks” o warning sa mas malakas na pagsabog at ‘yan ang pinag-uusapang ‘The Big One’!
◘◘◘
MAAARI rin itong magtulak upang magising ang mga natutulog o dorman na bulkan tulad ng Mt. Pinatubo.
Ang mga bundok tulad ng Mt. Makiling at Mt. Arayat o kahit ang Banahaw ay itinuturing na dorman volcano.
Sa Tagaytay kung saan natatanaw ang Taal Volcano ay pinaniniwalaang dalisdis o bahagi ng dambuhalang kaldera kung saan ang Taal Lake ay dambuhalang bunganga ng Gargantuan Volcano sa Cavite at Batangas!
◘◘◘
ANG Pilipinas ay hindi lamang sinaunang duyan ng sibilisasyon ng unang nilalang o human species, bagkus, ang Pilipinas ay nabuo mula sa nagngangalit na mga bulkan.
Kamakailan, nabuhay ang interes ng mga arkeologo sa kayamanan ng kasaysayan ng Pilipinas kaugnay sa humanity, pero dapat nating maunawaan na ang Pilipinas ay may super-yaman o may pambihirang mineral tulad ng ginto, diamante at iba pang rare elements.
Bakit?
Sapagkat ang pambihirang minerals ay likas na nagmumula sa sikmura o “core” ng earth na ibinubuga sa pagputok ng bulkan!
◘◘◘
ANG mineral deposits ay naiipon matapos ang pagputok ng bulkan.
Ibig sabihin, ang mga likas na yamang ito ay mula sa “earth core” na inilabas ng mga bulkan.
Ang earthquake fault ay malalaking bitak sa kailaliman ng lupa kung saan nabubuo ito dahil sa serye ng mga pambihirang malalakas na pagsabog ng bulkan sa sinaunang panahon.
Paghandaan ang malalakas na lindol, sapagkat ‘yan mismo ang sintomas at senyales na ang Pilipinas ay may mayamang geologo o klase ng lupaing may kakaibang hiyas.
Mahalin natin ang Pilipinas dahil kahit pagnakawan ito ng mga mananakop at malalaking bansa, hindi nila masisimot ang likas na yaman sa ating bansa!
◘◘◘
INGATAN natin ang Pilipinas sapagkat tayo ay nasa ibabaw ng gabundok na kayamanang hindi mauubos kahit magunaw man ang mundo.
Gayunman, kapos ng talino ang mga lider na nauupo sa gobyerno dahil pawang magnanakaw sa kaban ng bayan!





Comments