top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kung mayroong Board exam para sa mga gustong maging food technologist

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 24, 2019
1 min read

Dear Chief Acosta, Magandang araw! Hindi nakapagtapos ang aking bunsong kapatid sa kolehiyo sa kursong HRM dahil kapos kami noon sa pinansiyal, gayunman, dahil sa hilig nito sa pagluluto, nagbukas kami ng maliit na karinderya. Nasabi niyang gusto raw niyang kumuha ng kursong Food Technology upang madagdagan ang kanyang kaalaman. Gusto kong malaman, bukod sa pagtatapos ng kurso na Food Technology, mayroon din bang Board exam para sa mga taong nais maging food technologists? Salamat! — Sheyrie

Dear Sheyrie, Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 13 ng Republic Act (R.A.) no. 11052 kung saan nakasaad na:

“Section 13. Licensure Examination Requirement. - Except as otherwise specifically allowed under this Act, applicants for registration for the practice of food technology shall be required to pass a licensure examination as provided for in this Act in such places and dates as the PRC may designate in the Resolution thereof on the Master Schedules for all licensure examination in accordance with Section 7(d) of the Republic Act No. 8981, “PRC Modernization Act of 2000”, as amended” (Binigyang-diin)

Samakatwid, bukod sa pagtatapos ng kursong Food Technology, malinaw sa batas na mayroon ding licensure examination para sa mga taong nagnanais maging food technologists.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page