top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Iba't ibang kapaki-pakinabang na programa, hatid ng PCUP sa madla!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 24, 2019
2 min read

ANG Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ay patuloy na nagsusumikap upang mapagaan ang buhay ng mga maralitang Pilipino. Dahil dito, hindi tumitigil ang komisyon sa pagsasagawa ng mga programang makatutulong sa libu-libong maralita sa buong bansa.

Tanong: Magandang araw, Sir Alvin! Nais kong malaman kung ano ang nag-udyok sa PCUP upang ilunsad ang bago ninyong priority programs? Salamat at more power! — Christine

Sagot

Magandang araw, Christine! Maraming salamat sa iyong katanungan. Unang-una, ang PCUP ay mayroong mandato na magsilbing “direct link” ng maralita sa ating gobyerno kaya ang prayoridad ng komisyon ay ang pagbaba ng serbisyo ng ating pamahalaan sa mga tao.

Ito ang pangunahing layunin ng PCUP Caravan. Ito ay pinagsama-samang serbisyo ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na direktang ihahatid sa mga maralita sa iba’t ibang panig ng bansa. Kabilang na rito ang serbisyong-medikal at dental kasama ang Department of Health (DOH) at PhilHealth; job fairs kasama ang Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA); libreng gamot kasama ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), legal assistance kasama ang Public Attorney's Office (PAO) at iba pa.

Mula nang inilunsad ang naturang programa noong Pebrero, tinatayang nasa 14,000 katao sa anim na siyudad na ang nakinabang dito.

Nais din natin, maibsan ang gastusin ng mga maralitang Pilipino kaya naman, nasa proseso pa ng diskusyon ang Urban Poor Privilege Card na naglalayong mabigyan ng diskuwento ang mga maralitang Pilipino na magiging cardholder ng naturang programa.

Ang Adopt-a-Community ay corporate-and-government partnership kung saan ang indibidwal o grupo ng mga indibidwal ay maaaring kumalinga ng urban poor community sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangkabuhayan, pangunahing serbisyo at iba pang pangangailangan ng komunidad.

Makaaasa kayo na lalo pang pag-iigihin ng PCUP ang mga hakbang nito upang mapagaan ang buhay ng mga kapatid nating maralita.

Kung kayo po ay interesado, may katanungan o suhestiyon, maaari po kayong bumisita o mag-message sa PCUP Official FB Page na www.fb.com/pcupPH, hanapin ang hashtag na #PCUPatyourService o mag-email sa pcup.media2019@ gmail.com upang higit pang matutunan ang tungkol sa ahensiya ng mga maralita.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page