Construction worker, nahulog mula 4th flr, ng building, dedo

TODAS ang isang construction worker matapos mahulog sa isang apat na palapag na gusali kamakalawa ng hapon sa Malate, Manila.
Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Alberto Millano, ng Sta. Cruz, Manila.
Batay sa imbestigasyon ni PMSgt Bernardo Cayabyab, ala-1:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa ikaapat na palapag ng isang gusali sa San Andres, Malate.
Habang nasa ikaapat na palapag ng gusali ang biktima kasama ang isang mason nang mawalan ito ng panimbang at bumulusok sa ikalawang palapag ng hallway ng naturang residences.
Agad namang isinugod sa pagamutan ang biktima nang makitang humihinga pa ito pero, hindi na rin ito umabot ng buhay sa ospital.





Comments