3 SILVER, INANI NI LIFTER DIAZ SA ASIAN CHAMPIONSHIP


NAKASUNGKIT si PHL weightlifter Hidilyn Diaz ng 3 silver medals sa Asian Weightlifting Championship na idinaos sa eastern coastal city ng Ningbo sa China kahapon.
Nakabuhat ang reigning Asian Games champion ng 94 kilograms sa snatch, at 115 sa clean and jerk para sa kabuuang 209, sapat para sa second-placed finish sa women’s 55-kilogram category. Iginawad ang medalya sa magkahiwalay na kategorya para sa world at continental championships hindi tulad ng single medal lamang sa Olympics.
Ang Asian tournament ay nagbukas noong Abril 17 at matatapos sa Abril 29 na magsisilbing qualifying event para sa Tokyo Olympics.
Target ni Diaz, 28, ang makalahok muli sa ikaapat na pagkakataon sa Olympics, kasunod ng pagsabak sa Beijing noong 2008, London noong 2012 at Rio de Janeiro noong 2016 kung saan siya’y nagwagi ng silver medal. Nakasungkit siya ng gold medal sa Asian Games noong nakaraang taon sa Jakarta. (MC)





Comments