top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pinatatakbong nominee sa partylist… NORA, NA-TRAUMA NA, ATRAS SA PULITIKA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 23, 2019
  • 1 min read

ANO na kaya ang nangyari sa alok noon ng isang partylist sa Superstar na si Nora Aunor?

Natatandaan namin na three weeks bago nagwakas sa ere ang seryeng Onanay, nabalita na may isang partylist na lu­mapit at nag-offer kay Aunor upang maging kinatawan nito. Kaya naman nag­hintay ang kanyang mga fans and supporters sa desisyon at magiging pa­hayag ng Superstar.

Pero, hanggang sa dumating na ang deadline para sa partylist ay hindi nagpaparamdam si Ate Guy. Meaning, hindi niya tinanggap ang alok sa kanya.

Kaya may mga nagtatanong kung ang partylist na nag-alok kay Aunor ay ang Ako Bikol, na ngayon ay ang veteran actor na si Eddie Garcia ang nominee?

Bikolano rin kasi si Manoy Eddie at kilalang-kilala sa mundo ng showbiz. Malakas ang recall ng kan­yang pangalan dahil sa markadong exposure niya sa Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Ang tanong ngayon ng mga netizens, bakit ayaw na ng Superstar na suma­bak sa pulitika? Napaso o na-trau­ma ba si Aunor sa mga naging experience niya noon?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page