top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Palasyo, tamang hinala, biglang naglabas ng matrix ng 'Oust Duterte Movement'

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 23, 2019
2 min read

MGA TAGA-MALA­CA­ÑANG, ‘TA­MANG HINALA’—Naglabas ng matrix ang Malaca­ñang tungkol sa “Oust Duterte Movement” at ang mga isinangkot dito ay mga miyembro ng media at mga abogado.

Pambihira, nanana­wa­gan lang ang mga taga-media ng press freedom at nana­na­wagan lang ang mga abogado na itigil ang pagpatay sa mga kapwa nila abogado tapos para sa mga taga-Malaca­ñang ay “Oust Duterte Movement” na raw ito.

Naku, grabe naman pala ang mga taga-Malacañang, “tamang hinala”, boom!

◘◘◘

PASABOG NI ‘BI­KOY’, SUPOT!—Noong una, maraming naniwala sa ibinulgar ng isang alyas Bikoy na sangkot daw sa kalaka­ran ng iligal na droga si Presidential Son Paolo “Pulong” Duterte kasi ayaw nitong ipakita sa publiko ang likod nito na may tattoo raw ng dragon na simbolo ng sindikato.

Pero, nang isangkot na ni “Bikoy” ang bun­song anak ni P-Duterte na si Kitty sa kalakaran ng iligal na droga, mara­mi ang napataas ang kilay, dahil napakaimpo­sibleng masangkot sa sindikato ng illegal drugs ang menor-de-edad na anak ng pangulo.

Dahil d’yan, 'yung pasabog ni “Bikoy” la­ban sa Pamilya Duterte ay supot pala, he-he-he!

◘◘◘

LABANAN SA PO­LITIKA, DARAANIN NA LANG SA PALA­KI­HAN NG ARI? —Matapos mag-viral sa social media na “nila­laro” ni opposition musician Jim Paredes ang kanyang ari ay ipinag­malaki ni P-Duterte na malaki raw ang kanyang ari.

Matapos ipagmalaki ni P-Duterte na malaki ang kanyang ari ay sinabi nitong wala na raw eleksiyon, palakihan na lang daw ng ari ang maging labanan sa politika.

Naku, kapag nang­yari ‘yan, onli in da ‘Pi­li­pins lang na ang magiging labanan sa politika ng administrasyon at opo­sisyon ay palakihan ng ari, boom!

◘◘◘

RAKET NI ‘CHRISTIAN’, UNTOUCHABLE SA PASAY CITY—Halos lahat daw ng barangay sa Pasay City ay may pa-bookies at lotteng ni “Christian”.

Dahil dito, lumala­bas na untouchable pala sa jurisdiction nina Mayor Tony Calixto at Lt. Col. Bernard Yang ang raket ni “Christian”, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page