top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

NEGROS, DEDEPENSA NG KORONA SA BVR ON TOUR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 23, 2019
  • 1 min read

NAKATAKDANG duplikahin ng University of Negros Occidental-Recoletos, alumni pair nina Alexa Polidario at Erjane Magdato, ang kampeonatong nakopo kahapon sa lugar kung saan sila nagwagi noong isang taon sa kanilang pagsabak sa Beach Volleyball Republic On Tour: Dumaguete Open ngayong Biyernes sa Rizal Boulevard sand court sa Dumaguete City.

Namayani sina Polidario at Magdato kontra kina Samaa Miyagawa ng Japan at Tin Lai ng Hong Kong sa laban nila sa Negros Oriental capital noong Nobyembre na itinuturing na “most well-attended leg” sa history ng apat na taong beach volleyball circuit.

Inaasahan na ang hosting ng lugar sa BVR leg ay magpapatibay sa estado ng lungsod bilang ”sports tourism capital” sa Kabisayaan. Nagwagi sa dalawang BVR legs noong isang taon, mahigpit na laban ang inaasahan nina Polidario at Magdato sa dalawang araw na event.

Isa sa mga mabibigat nilang kalaban ang pareha nina Perlas Spikers Bea Tan at Dij Rodriguez na target naman ang ikatlong sunod na panalo kasunod ng naging kampeonato nila sa Puerto Galera at Santa Fe, Bantayan Island legs, noong nakaraang buwan.

Nakahanay din ang international pair nina Yuen Ting Chi at Lok Shun kasama sina NU-Boysen’s sister pair Roma Joy Doromal at Roma Mae Doromal, Air Force 1 duo nina May Ann Pantino at Jozza Cabalsa, Smash Bacolod tandem nina Bianca Lizares at Jennifer Cosas at ang UST twosomes nina Babylove Barbon at Gen Eslapor, at MJ Ebro at Derie Virtusio, University of St. La Salle duo nina Nohlin Jundana at Ceejay Recayo, Air Force 2 pair nina Mikaela Andres at Angel Antipuesto, Sipalay City tandem nina Jesalen Moises at Gelamie Villanueva at ang RTU pair nina Reyann Cañete at Sayrel Bermeo.(VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page