top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

MY JOPAY, MALAKI ANG UMENTO SA 3YO

Ding Taboy
Apr 23, 2019
1 min read

RENDA at LATIGO

MALAKI ang inu­mento ng kabayong My Jopay kaya nanalo ng may dalawang kabayo ang layo sa mga kalaban sa tagpong naganap na 2019 PHIL­RACOM “3 Year Old Local Fillies and Colts” sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Hinog na ang My Jo­pay, nasa tamang edad ang kabayo para isabak sa ma­lalaking pakarera.

Inihahanda ang My Jopay sa 2019 Philracom “Triple Crown” na magsi­simula sa Mayo.

Maganda ang pagka­kadala ng My Jopay ni jockey R D Raquel Jr. na naorasan sa bilis na 1:40 sa distansiyang 1,600 meters.

Binigo ng My Jopay ang kalaban gaya ng Wes­teros, Lakan Takhan, Two Timer, ang The Accoun­tant na dumating na pa­ngalawa at 3rd placer na PeterSaints at dumating na pang-apat ang Gil’s Magic.

Ang My Jopay ay pag-aari ni M.B. Villaseñor na nakitaan ng husay sa pag­takbo.

Umalis na bandera ang My Jopay habang naka­buntot ang mga kalaban, umalis na pang-lima ang Lakan Takhan at kulelat ang Westeros na siyang li­yamado sa karera.

Nagtangkang agawin ng The Accountant ang unahan subalit higit na mas mabilis ang My Jopay at lumayo ang kabayo.

Nagbigay ng P8,390 sa forecast 2/5, P13,006.80 sa Trifecta at P20,435.20 habang nagbigay ng P390.00 sa Extra Double 7/2 at P117.50 sa Daily Double na 4/2. Nagbigay sa 1st Pick 6 ng halagang P22,684.60 at nagbigay ng WTA P65,319.80 at 2nd Pick 6 ng halagang P28,594.80.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page