Magkakahiwalay na pagsabog sa Sri Lanka | 290 PATAY, HIGIT 500 GRABE
- Jersey Sanchez
- Apr 23, 2019
- 1 min read
UMAKYAT na sa 290 ang bilang ng mga nasawi habang higit 500 ang sugatan sa magkakahiwalay na pagsabog sa ilang hotels at Simbahan sa Sri Lanka.
Ayon sa pulisya, walong magkakahiwalay na pagsabog ang naganap sa tatlong hotels at ilang Simbahan sa kalagitnaan ng misa para sa Easter Sunday o Linggo ng Pagkabuhay.
Gayunman, ayon kay Ruwan Gunasekera, tagapagsalita ng pulisya sa Sri Lanka, suicide bombers ang responsable sa dalawa sa walong pagsabog.
Samantala, 24 katao na may kaugnayan sa insidente ang dinakip ng mga awtoridad.
Ayon kay Prime Minister Ranil Wickremesinghe, bagama’t, may nakuha na silang impormasyon, inaalam pa nila kung may koneksiyon sa ibang bansa ang mga suspek.
Tiniyak ng lider na mananagot ang sinumang grupo na nasa likod ng pag-atake.
Nagpatupad na ang gobyerno ng curfew at ipinagbawal muna ang paggamit ng social media upang maiwasan ang pagkalat ng anumang maling impormasyon.





Comments