top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

D-LEAGUE: BATANGAS-EAC, MALAPIT NA SA PLAYOFFS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 23, 2019
  • 1 min read

BUHAY pa ang tsansa ng Batangas -EAC para sa 2019 PBA D-League play­offs matapos nilang ungu­san ang Family Mart-En­derun, 91-90, kahapon sa JCSGO Gym sa Cu­bao.

Isinalba ni Chris Dela Peña ang Generals sa kan­yang game-winning lay-up may 13.8 segundo na la­mang ang nalalabing oras sa laro.

May pagkakataon pa sana ang Titans na agawin ang tagumpay ngunit na­sawata ng Generals ang alley-oop na pasa ni Va­landre Chauca kay Joseph Kouakou sa huling posses­sion ng mga ito.

Tumapos si Dela Peña na may 12 puntos at 3 re­bounds upang pamunuan ang Batangas-EAC sa pagputol sa naitala nilang 4-game losing skid.

Dahil sa panalo, uma­ngat sila sa markang 2-5 sa Aspirants Group.

Last time, I told them that we should learn how to win,” wika ni coach Oliver Bunyi na binalikan pa ang kanilang 119-122 double-overtime na ka­biguan sa AMA Online Education noong naka­raang linggo.

“This game, the effort was there and I’m very proud of them na kahit paano yung instructions, nasunod naman.”

Pinangunahan ni Ear­vin Mendoza ang Batan­gas-EAC sa ipinoste ni­tong 18 puntos, 4 rebounds, at 2 assists kasunod si Marwin Taywan na may 14 puntos, 5 assists, at 4 na rebounds.

Nawalan naman ng saysay ang 30 puntos ni Chauca dahil hindi nito nailigtas sa maagang eli­minasyon ang Titans na bumagsak sa ika-6 na su­nod nilang kabiguan. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page