BLAZE AT CARGO, MAGDADAIGAN NA SA SUPERLIGA SEMIFINALS
- BULGAR

- Apr 23, 2019
- 2 min read

MAINIT na laro kasabay ng maalinsangang panahon ang ipakikita ng Petron Blaze Spikers at F2 Logistics Cargo Movers para sa pakay na makasampa sa championship round sa sandaling makaharap ang kani-kanilang kasagupa sa Game 1 ng Philippine Superliga Grand Prix best-of-three semifinal series ngayon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.Lalarga ang Blaze Spikers ng 7 p.m. para sa target na panalo at muling pipilitin ang tsansa na makasampa sa finals sa liga. Target ding dumikit sa finals ng Cargo Movers na haharap sa PLDT Home Fibr ng 4:15 appetizer game.
Lahat ay nakaabang sa Petron makaraang mawalis ang 14-game classification phase at tigpasin ang Sta. Lucia sa isang ‘emphatic straight-set victory sa quarterfinals ng nakaraang dalawang linggo.
Sinabi ni Petron coach Shaq delos Santos na ang kanilang tagumpay ay hindi lang kredito sa kanilang imports na sina Stephanie Niemer at Katherine Bell dahil ang mga local crew na sina Mika Reyes, Aiza Maizo-Pontillas, Frances Molina, Denden Lazaro, Rhea Dimaculangan at Remy Palma ay gumana rin para sa ikalawang ditretsong Grand Prix title.
“I’m very happy with them (Bell and Niemer). They have been very professional and can easily adjust anytime,” ani delos Santos, na pakay maging ikalawang coach na maka-sweep ng buong torneo.
“But I also tell our local players not to rely on our imports. That’s why I’m so happy to see them respond and deliver the goods, whether on offense or on defense. This winning run is truly a total team effort from the girls.”
Subalit dapat maghanda ang Blaze Spikers sa peligrosong yugto. Malamig at mainit ang laro ng HD Spikers sa classification, pero ngayon ay kumpiyansa nang dominahin ang United VC na may bagong import na si Thai superstar Sutadta Chuewulim sa quarterfinals.
Perpekto na rin ang tambalan nina Imports Erica Wilson at Ana Artemeva maging sa local players na sina Rachel Anne Daquis, Janine Navarro, Jheck Dionela at national team member Mylene Paat na may bangis na rin at kayang maka-upset ng kasagupa. (MC)





Comments