top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Babaeng dehins knows kung paano ipakikilala ang BF na may anak na

ROMA AMOR
Apr 23, 2019
1 min read

Dear Roma,

Ako si Zandra, 23 years old. May BF ako ngayon na dating kong kaklase, sa totoo lang, okay ang re­lasyon namin dahil medyo magkaugali kami. Pero, hanggang ngayon ay hindi ko pa siya naipakikilala sa mga magulang ko dahil may isa na siyang anak. Natatakot ako dahil alam kong maaari nila akong husgahan sa pagpili ko ng lalaking minahal. Ano ang dapat kong gawin? — Zandra

Zandra,

Alam mo, sis, sa panahon ngayon dapat hindi na masyadong isyu ang ganyang set-up dahil moderno na ang henerasyon. Basta hindi siya kasal sa babaeng na­anakan niya ay ayos na ‘yun. Sa una, mahihirapan ka talaga dahil mag-aalala ang mga magulang mo sa iyo. Pero, sa paglipas ng panahon, kapag nakita nilang ma­saya ka, tiyak na magbabago rin ang desisyon nila. Pa­tunayan mong inspired at masaya ka, ‘yun lang ang da­pat mong gawin. Kaya mo ‘yan! God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page