top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

3 sasakyan nagkarambola, 1 patay

Levi Gonzales
Apr 23, 2019
1 min read

ISA ang kumpirmadong nasawi habang tatlo ang sugatan matapos mahagip ang dala nilang sasakyan ng isang van sa Bgy. Binutas, Calauag, Quezon.

Alas-9:35 ng gabi, binabagtas ng Mitsubishi L300 van na minamaneho ni Arnold Paulite, 42, ng Bgy. Sirang Lupa, Calamba City, ang naturang lugar nang masapol nito ang kasalubong na tricycle na minamaneho ni Remuel Noriesta, 25, kasama sa loob nito ang pasaherong nasawing si Ma. Arvie Liwanag, 24, at ang kanyang 5-buwang sanggol maging ang 2- taong gulang na anak.

Nawalan ng kontrol ang tricycle hanggang sa mahagip nito ang isa pang motorsiklo na minamaneho ni Richard Olarte, 39, ng Bacoor, Cavite.

Nagtuluy-tuloy itong nahulog sa palitada kung saan nagtamo sila ng matinding pinsala sa ulo at iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Dali-dali silang dinala sa pagamutan ngunit, isa ang binawian ng buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page