Yummy noon, may balbas at bigote ngayon… JOHN LLOYD, MUKHANG ERMITANYO NA


DISMAYADO ang mga fans ni John Lloyd Cruz nang makita ang latest photo niya na naka-post sa social media. Mukhang pinagbigyan lang ni JLC ang dalawang tagahanga na nagpa-picture sa kanya, pero ibang-iba na ang hitsura ngayon ng aktor.
Parang naglaho na ang kanyang karisma at “X factor” bilang celebrity na hinahangaan ng marami. May balbas at bigote si Lloydie na animo isang ermitanyo na lumabas sa kuweba.
It seems wala namang pakialam si Lloydie kung anuman ang maging hitsura niya ngayon dahil tumigil na siya sa pag-aartista.
Pero, ang labis na ipinagtataka ng mga netizens, eh, bakit pinabayaan ng aktor ang kanyang hitsura? Hindi ba’t naging maligaya naman siya nang piliin niya si Ellen Adarna at talikuran ang kanyang showbiz career?
Nakamit naman niya ang privacy at malayang buhay na gusto niya nang magdesisyon siya na sa Cebu na pumirmi.





Comments