top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

PCUP handang magbigay-tulong sa mga apektado ng demolisyon at ebiksiyon

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 22, 2019
2 min read

SINISIGURO ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) na ang apektadong pamilya na underprivileged and homeless ay mayroong sapat na ayuda tulad ng relocation o financial assistance sa pamamagitan ng Pre-Demolition Conference o PDC.

Nakapanlulumo ang demolisyon at ang ilan sa mga pamilyang mapaaalis ay ikinokonsidera minsan ang maling payo na maaaring ikapahamak ng bawat isa. Ito ang tatalakayin natin ngayong araw.

Tanong: Magandang araw, Sir Alvin! Pagkatapos ng PDC, nagpulong kami. Ang sabi sa PDC may lilipatan daw na relocation at kung magbo-voluntary kami ay makapipili umano kami ng unit at makukuha ang ilang gamit. Ang sabi naman ng organizer, huwag daw hayaan na i-demolish kami at ipaglaban namin ang aming lupa. Sinabihan kami na mag-rally at batuhin ang mangde-demolish sa amin. Totoo na ayaw naming umalis ngunit, ayaw din naming umabot sa ganito. Ano ang puwede naming gawin?

Sagot

Magandang araw din! Ikinatutuwa namin na kayo ay sumangguni muna bago gumawa ng ganitong klaseng hakbang.

Sa inyong kaso, dahil pinayuhan na tayo sa PDC na mayroong relocation, maaari na nating simulan ang paglipat. Maaari tayong bigyan ng tulong ng ating barangay o lokal na pamahalaan para sa pag-transfer ng gamit sa itinakdang unit. Ang maganda pa rito ay ang unit na ating matitirahan ay magiging pag-aari natin.

Mahirap talaga ang mai-demolish sa ating kinalakihang lugar ngunit, kung ito ay may magandang patutunguhan, hindi masamang i-embrace ang pagbabago. Mas mainam nang makaranas ng panandaliang paghihirap dahil magdudulot din ito ng magandang bukas.

Ang paglipat sa relocation site ay malaking pagsubok sa atin ngunit, kung ito ay ating malalampasan, magkakaroon tayo ng seguridad sa paninirahan at magiging matiwasay din ang ating buhay. Makatitiyak tayong hindi tayo pababayaan ng pamahalaan sa malaking dagok sa ating buhay.

Ang desisyon kung kaninong boses tayo makikinig ay nasa atin. Tandaan nating ang nais ng pamahalaan ay mapabuti ang pamumuhay ng sambayanang Pilipino dahil tayu-tayo rin ang magtutulungan sa huli.

Kung kayo po ay interesado, may katanungan o suhestiyon, maaari po kayong bumisita o mag-message sa PCUP Official FB Page na www.fb.com/pcupPH, hanapin ang hashtag na #PCUPatyourService o mag-email sa pcup.media2019@ gmail.com upang higit pang matutunan ang tungkol sa ahensiya ng mga maralita.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page