top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

PAG-ANGAT SA KARTADA, PAKAY NG 4 TEAMS SA PBA D-LEAGUE

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 22, 2019
1 min read

UMANGAT mula sa ki­nalalagyang ilalim ng kani-kanilang grupo ang tatang­kain ng apat na mga kopo­nang nasa cellar na magsa­sagupa ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D-League sa JCSGO Gym sa Cubao.

Magkasunod sa kinala­lagyang ilalim ng Aspirants Group, magtutunggali sa unang laban ganap na 1 p.m. ang Batangas-Emilio Agui­naldo College at Family- Mart-Enderun College na susundan ng salpukan ng CD14 Designs-Trinity Uni­ver­sity of Asia at SMDC-National University na kasa­lukuyang magkasama sa bun­tot ng Foundation Group.

Sisikapin ng Generals na madagdagan ang nag-iisang panalong naiposte sa unang anim nilang laro habang magpupumilit ang Titans na masungkit na ang napaka­ilap na unang tagumpay upang makaahon sa kina­sad­lakang limang dikit na kabiguan.

Mag-uunahan namang makasama sa kanilang mga kagrupo na mayroon ng pa­nalo, ang dalawang winless teams ng Foundation Group na White Stallions at Bull­dogs na kapwa may karta­dang 0-5.

Pipilitin ng Gene­rals na makabawi mula sa nata­mong 119-122 overtime na pagkatalo sa huling laban nila noong Abril 15 sa AMA Online Education

Samantala, tatangkaing iwasan ng tatlong koponang FamilyMart-Enderun, CD14 Designs-Trinity at SMDC-NU na masundan pa ang naunang tig-5 nilang kabiguan. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page