top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Naglalagas ang buhok

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 22, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Azilanna ng Azilanna_Orrazip@face-book.com

Dear Professor,

Naglalagas ang aking buhok, sa mga kamay ko mismo nakita na na­lagas ito mula sa ulo ko.

Ang iniisip ko sa pa­naginip ay may kanser ako.

Ang totoo nito, may sakit ako, nakitaan ako ng cyst sa ovary ko, kaya natatakot talaga ako da­hil baka lumala pa ito.

Ano ang kahulugan ng panaginip ko?

Salamat!

Naghihintay,

Azilanna

Sa iyo Azilanna,

Nalalagas ang buhok ng taong may sakit na kanser sa panahon ng kanyang chemoteraphy.

Ito ang mismong na­panaginipan mo. Ibig sabihin, iniisip mo na da­hil may cyst ka sa ovary ay may kanser na ang ovary mo.

Pero ang totoo, wala pa namang sinasabi ang doktor na ikaw nga ay may kanser na.

Kumbaga, pinangu­ngunahan mo na ang sasabihin ng doktor na may mangyayaring hindi maganda sa iyo dahil ito ay senyales na tinatalo ka ng iyong negatibong pananaw.

Huwag kang mata­kot, iha, dahil ang cyst sa ovary ay naaalis sa pa­mamagitan ng operasyon at kahit naman maging cancerous ito, ganundin, ooperahan ka at maaalis na ang cyst sa ovary mo.

May pagkakataon na ang mismong ovary ang aalisin para mawala na ang problema mo.

Kaya sa ganitong so­lusyon, ang kinatatakutan mong chemo ay hindi na­man gagawin sa iyo.

Sa ngayon, may ilang paraan para hindi na du­maan sa chemo ang pas­yente.

Muli, masasalamin sa panaginip na labis kang nag-aalala sa cyst mo.

Dapat mong mala­man na maraming babae ang may cyst din tulad mo, pero nabubuhay sila ng normal at patuloy na nagsisikap para sa ka­nilang kinabukasan.

Kaya, kahit na may cyst ka, pilitin mong ma­buhay nang masaya. Ang isa mo pang dapat ma­laman ay ang taong hindi masaya o ayaw magsaya ay pumapangit ang kalu­sugan. Maganda ang pagiging masaya dahil “there is a healing po­wer” sa masayang perso­n­ali­dad.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page