Matinding init at natutuyot na dam, parehong walang solusyon, tsk-tsk-tsk!

SOBRANG init talaga ng panahon.
‘Yan ang totoong walang solusyon!
◘◘◘
AKTUWAL nang natutuyot ang mga dam.
Isa ring walang solusyon!
◘◘◘
DELIKADONG matuyot ang mga dam.
Hihina ang pundasyon nito dahil magbibitak ang kailaliman ng lupa.
Sa pagdating ng malakas na ulan, maaaring gumuho ang pundasyon at dike ng dam.
‘Yan ang malaking krisis na wala ring solusyon!
◘◘◘
MARAMING problema sa mundo ang hindi kayang resolbahin ng tao.
‘Yan ang dahilan kaya mayroong Diyos!
◘◘◘
SA gitna ng lagim dahil sa iba’t ibang kalamidad, may mga nakaliligtas na tao.
Ang mga “survivor” ang nagpapatunay na may Diyos!
◘◘◘
ANG mga survivor ang pagpapatotoo na may Diyos.
Kapag walang kalamidad, walang magpapatotoo na may Diyos!
◘◘◘
ANG mga negatibong pangyayari ay nagbubunga ng positibo at ang ebidensiya rito ay ang pagpapatotoo na may Diyos.
Hangga’t may kalamidad at problema ang tao, mananatili ang Diyos, mananatiling “klik” ang relihiyon!
◘◘◘
ISIPIN ninyo, kapag nawala ang kalamidad at nawalan ng problema ang tao, kailangan pa ba ang Diyos?
Kapag walang problema, malamang, magsarado ang mga Simbahan!
◘◘◘
ANG relihiyon ay gumagana at nagkakamal ng salapi dahil sa mga taong hindi nauubusan ng problema.
Pumapasok sa sekta at relihiyon ang mga tao dahil mayroon silang problema!
◘◘◘
ILANG deboto ang nagsisimba para magpasalamat sa Diyos?
Nagpapasalamat kasi nawala ang kanyang problema, pwes, magdo-donate ito o magkakaloob ng “salapi” sa sekta!
◘◘◘
ANG sekta ay pinakaklik na negosyo.
Hindi sila nagbabayad ng buwis, pero malakas makakuha ng koleksiyon.
Mayaman ang mga pastor at nakaimbento ng sekta, pero imbes na kasuhan sila, sila ay dini-”diyos” pa rin na “sangkatutak ang problema”!
◘◘◘
ANG pagdarasal ay iskema ng meditation kung saan nakapahinga ang isip.
Kapag nakapahinga ang isip, nakapagdedesisyon sila ng tama!
◘◘◘
Mula sa tamang desisyon, nareresolba ang problema at matapos, nagpapasalamat sila sa kanilang mga “diyos”.
Simpleng solusyon sa problema ay mag-meditate, gamit ang sarili mong “diyos”.
Lahat ay nabibiyayaan ng meditation.
Lahat ay nabibiyayaan ng kani-kanyang “diyos”!





Comments