Habang tameme sa panganganak daw ni Julia… COCO, SWEET NA SWEET KAY YASSI SA JAPAN, VIDEO KUMALAT
- BULGAR

- Apr 22, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MAY mga kumakalat sa social media ngayon na mga sweet photos at videos nina Yassi Pressman at Coco Martin sa kabila ng mga intrigang kinakaharap ng huli, kung saan mainit na pinag-uusapang diumano’y may itinatago silang anak ng aktres na si Julia Montes.
Makikita sa video na sweet ang aktor kay Yassi at inaayos pa nga niya ang damit ng kanyang leading lady.
Napag-alaman na lumipad pa-Japan ang cast ng ABS-CBN hit series na Ang Probinsyano para magbigay ng saya sa mga Pinoy sa ginanap na Kapamilya Fiesta World Japan Festival kahapon (April 21).
Narito ang ilang komento ng mga netizens mula sa entertainment blog na FashionPulis:
“If ever totoo ‘yung kay Julia, hay naku. Maraming maiinis sa ugali mo.”
“Wow!!! Ang galing, Coco, ha, galing mong magpaikot ng mga fans mo. Hahaha!”
“I’m so sorry pero parang bet din kasi ni Yassi. Distansiya amiga.”
“Julia deserves someone much better than Coco. Sayang.”
“Asikasung-asikaso ni Coco si Yassi, sila na bang dalawa? Paano na si Julia, eh, sabi nanganak na and ang father, si Coco?”
“Kawawa naman si Julia kung totoong nanganak siya.”
“Tama ka d’yan, kasi kung si Coco talaga, eh, taken na... hindi siya gagalaw nang ganyan or magpapakita ng care kay Yassi.”
“Wala namang masama kasi pareho silang single ni Coco at hindi rin alam ng mga bashers kung ano talaga ang meron sa kanilang dalawa off-cam. Almost 3 years na silang magkasama sa show nila at sinabi ni Coco sa interview niya before na madali siya ma-fall sa isang leading lady niya.”





Comments