Gustong malaman kung maaaring maging dentista sa bansa ang asawang foreigner na lisensiyadong dentis
- BULGAR
- Apr 22, 2019
- 2 min read
Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Ako ay nagtatrabaho bilang office staff at mayroon akong asawang foreigner, siya ay lisensiyadong dentista at kasalukuyang nagtatrabaho sa ibang bansa. Sa totoo lang, pinaplano namin na umuwi na siya rito upang magkasama na kami dahil hindi ko rin maaaring iwan ang aking mga magulang dahil matanda na sila, gayunman, hindi rin madali para sa kanya ang iwan ang kanyang propesyon. Nais kong malaman kung maaari bang makapagtrabaho bilang dentista sa ating bansa ang aking foreigner na asawa? — Ellen
Dear Ellen,
Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Section 31 ng Republic Act No. 9484 o mas kilala bilang “The Philippine Dental Act of 2007” na:
“SEC. 31. FOREIGN RECIPROCITY – Unless the country of which he/she is a subject or citizen specifically permits Filipino dentists to practice within its territorial limits on the same basis as the subject or citizens of such foreign state or country under reciprocity and under international agreements, no foreigner shall be admitted to the examination and be given certificate of registration to practice as a dentist and be entitled to any of the privileges under this Act.”
Samakatwid, kung pinapayagan ang mga Pilipino na makapagtrabaho bilang lisensiyadong mga dentista sa Amerika sang-ayon sa mga kasunduang pang-internasyunal, maaaring maging dentista ang iyong asawa sa ating bansa. Kung sakaling walang mga ganitong kasunduan, hindi siya maaaring makapagtrabaho bilang dentista sa ating bansa.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.
Comments