top of page
Pokwang.jpg

Dahil sa init ng panahon; mga sunog na nagaganap sa bansa, nakababahala!

Ryan B. Sison
Apr 22, 2019
1 min read

SA tindi ng init ng panahon, hindi na na­kapagtata­ka na talamak ang sunog ngayon sa buong bansa.

Kung saan ayon sa Bureau of Fire Protec­tion (BFP), tumaas umano ng 50 porsiyento ang fatality rate sa mga naganap na sunog sa unang quarter pa lang ng taon.

Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) Spokesperson Fire Chief Inspector Jude delos Reyes, mayroon silang 111 naitalang namatay sa mga sunog, gayundin, 5,929 fire incidents ngayong 2019 na mas mataas kumpara noong 2018.

Dagdag pa rito, tumaas din ng dalawang porsiyento ang mga fire incident sa bansa mula Enero hanggang ikalawang linggo ng Abril ngayong taon dahil sa depektibong electrical connection, upos ng sigarilyo, kapabayaan sa kusina at init ng panahon.

Gayunman, nanguna sa mga may mataas na naitalang sunog ang Mindanao, Visayas at National Capital Region (NCR).

Nakababahala talaga ang pagkakaroon ng sunog dahil bukod sa maaabong mga gamit, buhay ang dapat ialay para lamang maapula ito.

Kaya naman patuloy nating ipinaaalala sa publiko na maging alerto at ipatupad ang malawakang information drive para maiwa­san ang pagkakaroon ng sunog.

‘Ika nga, “kung tayo ay handa, sakuna ay walang panama”!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page