30TH SEA GAMES ATHLETICS, DAGDAG ANG MIXED RELAYS

SA unang pagkakataon kasama ang 4x100m at 4x400m mixed relays sa 2019 Southeast Asian Games at magiging 46 events na ang paglalabanan sa athletics na aarangkada sa Nobyembre 30 tampok ang mahigit 11,000 athletes na magpapasiklaban sa 56 sports at magiging panauhing pandangal si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kasama ang sports luminaries galing sa 11 mga bansa na bumubuo sa rehiyon.
Dahil sa pagkasama sa dalawang mixed relays, sinabi ni PATAFA president Philip E. Juico na malaki ang pag-asang manalo dahil tatakbo sina 2015 SEA Games “king of sprint” Eric Shauwn Cray at “queen of sprint” fellow Filipino-American Kayla Richardson kasama ang kapatid ni Kayla si Kyla, Fil-Am Kristina Knott at mga locals na sina Jomar Udtohan, Marco Vilog, Francis Medina at Edgardo Alejan Jr.
Ang Fil-Ams na kasali maliban kina Cray, Knott at Richardson sisters ay sina Natalie Uy, Alyana Nicolas, Thomas Morrison, Robyn Brown at Carter Lily. Inaasahang mahihigitan ang limang ginto, tatlong pilak at sampung tanso na nakuha sa Malaysia.
Sina Uy at Nicolas ay lalahok sa pole vault kasama ang homegrown talent at veteran Riezel Bernardino. Ang magkapatid na Richardson ay tatakbo sa 100m at 200m, si Knott sa 100m, Lily sa 400m, 800m at 1500m, si Brown ay sa 100m hurdles at Morrison sa discuss throw. Pinalitan ni Morrison si Caleb Stuart na gumawa record noong 2015 SEAG sa Singapore.
Ang locals ay sina Brazil Olympian at reigning marathon queen Mary Joy Tabal, Mark Harry Diones, Aries Toledo, Ernest John Obiena, Edgardo Alejan Jr., Archand Christian Bagsit, Immuel Camino, Jomar Udtohan, Mervin Guarte, Christopher Ulboc, Junry Ubas at Joan Caedo. Sina Tabal, Obiena, Diones at Toledo ay gold medalists sa nakaraan SEAG at inaasahan na muling dodominahin nila ang kanilang pet events.





Comments