top of page

3 tiklo sa P18 milyong shabu

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 22, 2019
  • 1 min read

NAKUMPISKA ang nasa P18 milyong halaga ng shabu sa dalawang Nigerian at isang residente ng Camarines Sur sa Naga City, kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Maj. Maria Luisa Calubaquib, unang nakuha ang P17 milyong halaga ng droga sa buy-bust operation sa Nigerian businessman na si Azubuike Onwigbolu, 32, sa Bgy. Triangulo, Angeles City, Pampanga, alas-12:15 ng madaling-araw.

Dumating umano si Onwigbolu sa Naga tatlong araw bago ito naaresto.

Samantala, sa hiwalay na operasyon, arestado ang suspek na si Judith Camacho, 46, at isa pang Nigerian na si Mbaneto Sopuluchukwu o mas kilala bilang Hermann Kurt Philip, 22, alas-10:45, Sabado ng umaga.

Ani Calubaquib, isa si Camacho sa mga supplier ng shabu sa naturang probinsiya. Narekober ng mga pulis ang isang ice plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Ayon sa pulisya, aabot ang halaga ng kontrabando sa P680,000. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page