top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

WOMEN IN SPORTS, ABANGERS, BUKAS NA

Clyde Mariano
Apr 21, 2019
1 min read

BIGYANG-DAAN ang mga babaeng atleta na muling ipakikita ang kanilang natatanging angking galing sa Women in Sports Martial Arts Festival na gagawin sa Abril 22-26 sa Harrison Plaza tampok ang pencak silat, arnis, judo, wrestling, taekwondo, karatedo at muay thai.

Aabot sa 1,000 ang kalahok sa isang linggong torneo na inilunsad ng Philippine Sports Commission na pinangasiwaan ni Commissioner Dr. Celia Kiram upang bigyang pagkakataon ang mga babaeng atleta na ipakita ang galing sa martial arts at sumosyo sa billing ng kanilang male counterparts.

Ang pencak silat ay nagsimula sa mga bansang Muslim. Noong 2018 ginawa ang event noong Oktubre kasabay sa pagdiriwang ng United Nations Day ng Oktubre 25 na ginawa rin sa Harrison Plaza.

Magpapatalbugan ang mga kalahok na lahat ay hangad sundan ang mga yapak nina Brazil Olympian Kirstie Elaine Alora, Pauline Lopez, Asian Indoor Games and Martial Arts gold medalists Annie Ramirez at Filipino-Brazilian Margarita Ochoa. Sina Alora, Lopez, Ramirez at Ochoa ay beterano nang nakaraang Asian Games sa Indonesia at gold medalists sa Southeast Asian Games. “This is one of PSC’s Gender and Development Plans and Programs to give women athletes the opportunity to showcase their natural skills in combat sports,” sabi ni Kiram.

Hindi isinama ang boxing at wushu dahil kaunti ang sumali at kung maraming kalahok ay isasama ang dalawang combat sports sa susunod na torneo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page