Truck nahulog sa bangin, 8 dedo

Apr 21, 2019
1 min read

UTAS ang walo katao habang walo rin ang sugatan makaraang mahulog sa bangin ang elf truck sa Tabuk City, Kalinga.
Naganap ang insidente sa Binongsay Road, Bgy. Malin-awa, umaga ng Sabado de Gloria.
Agad rumesponde ang Philippine Red Cross sa lugar na pinangyarihan ng insidente.
Samantala, ang mga nasugatang pasyente ay dinala sa Kalinga Provincial Hospital at sa Almora General Hospital.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente. (BRT)





Comments