top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tambak na basura na iniwan sa Simbahan ng Antipolo City, nakadidismaya!

  • Ryan B. Sison
  • Apr 21, 2019
  • 2 min read

‘IKA nga, “cleanliness is next to godliness”, ‘yun nga lang, mukhang hindi ito ang nangyaring Alay-Lakad sa Simbahan ng Our Lady of Peace and Good Voyage Church sa Antipolo City sa Rizal dahil sa litratong ipinost ng concerned citizen na si Kae Rivera kung saan makikita ang nasabing Simbahan na nagmistulang tambakan ng basura dahil sa pagiging iresponsable ng mga lumahok sa nasabing aktibidad.

Gayunman, sa hagdan pa lamang paakyat ng nasabing Simbahan ay may nakatambak ng empty water bottles, food wrappers, plastic bags, styrofoam cups, paper plates at iba pang basura.

Nakadidismaya dahil kahit paulit-ulit na nating ipinaaalala sa mamamayan na maaari ring bumalik sa atin ang hindi tamang pag-aalaga sa kalikasan ay wala pa rin silang pakialam.

Dagdag pa rito, bilang respeto sa tahanan ng Diyos, sana man lang, ibinulsa na lang ang mga balat ng mga bagay na napakikinabangan din naman, hindi ‘yung kung saan-saan itinapon dahil walang makitang basurahan.

Samantala, ngayong Linggo ng Pagkabuhay, magbigay sana tayo ng respeto sa Simbahan kung saan magsisimba, pero huwag nang mag-iwan ng basura.

Dagdag pa rito, kung nag-Visita Iglesia, penitensiya o alay-lakad, dapat ugaliin natin ang pagtatapon ng basura sa tamang basurahan, lalo na ‘yung may mga isip na riyan na baka nanguna pa sa pagpapasaway. Tsk!

Sa totoo lang, hindi uunlad ang bansa kung ganito palagi ang magiging sistema ng ating kapwa, ‘yung tipong basura pa lang hindi na masolusyunan, paano pa kaya ‘yung mas mahihirap at malalaki?

Huwag nating hayaang maging tatak ng mga Pilipino ang kawalang disiplina at respeto, patunayan natin na kaya rin nating magbago!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page