top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sta. Cruz Church, nagliyab

  • Mylene Alfonso
  • Apr 21, 2019
  • 1 min read

NAABO ang kaliwang bahagi ng Sta. Cruz Parish Church matapos masunog ang isang candle stand, kama­kalawa ng hapon sa Bus­tos St., Plaza Sta. Cruz, Manila.

Batay sa ulat ng Manila Police District Station 3, alas-5:45 ng hapon nang magsimulang magliyab ang kaliwang bahagi ng simbahan na tumagal ng 20 minuto at idineklarang fireout, alas-6:05 ng gabi.

Batay sa imbestigasyon, una umanong nakita ni Illoises Cornel, 24, na luma­laki na ang apoy nang puma­sok siya sa chapel ng mga santo.

Nakita umano niya na magliliyab na ang candle stand dahilan para humingi siya ng tulong sa labas ng simbahan na agad namang tumawag ng bumbero.

Wala naman nasugatan sa naturang insi­dente habang naalam ni FInsp. Michael Ignacio kung bakit nasunog ang naturang candle stand.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page