top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Semana Santa, sapol din sa mga banat ni P-Digong

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 21, 2019
1 min read

PAGGUNITA NG MGA KATOLIKO SA MAHAL NA ARAW, GINAWANG KATATAWANAN NI P-DUTERTE—Sa kanyang speech sa PDP-Laban campaign rally sa Tuguegarao City noong Miyerkules Santo, sinabi ni P-Duterte na kaya raw hindi siya nagsisimba ay ayaw daw niyang magpabalik-balik sa Simbahan para humingi ng tawad sa pari dahil halos araw-araw ay marami raw siyang ipinapapatay at kung mamamatay man daw siya ay ayaw niyang sa langit mapunta at mas gusto raw niyang mapunta sa impiyerno kasi marami raw ditong (impiyerno) seksi at maganda.

Seryosong ginugunita ng mga Kato­liko ang Mahal na Araw, tapos ginawa itong katatawan ni P-Duterte, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

NAPAKO ANG MGA PANGAKO NI P-DUTERTE KAYA ARI NA LANG DAW NIYA ANG KANYANG IPINAGM­AMALAKI —Maraming campaign promise si P-Duterte na hindi natupad o mga pangakong napako!

Tapos ngayong pangulo na siya, dahil wala siyang maipagmalaking natupad sa kanyang mga campaign promise, eh, ang ipinagmalaki na lang daw niya sa kanyang speech sa PDP-Laban campaign rally sa Palawan ay ang kanyang ari, buwisit!

◘◘◘

MAR ROXAS, LAGLAG NA NAMAN SA SURVEY—Sa News 5 digital survey, hindi na naman pumasok sa Top 12 si ex-DILG Sec. Mar Roxas.

Sa magkasunod na latest survey din ng Social Weather Stations (SWS) at Pulse Asia, laglag din si Mar Roxas.

Kapag ganyan din ang resulta sa mismong araw ng halalan, indikasyon ‘yan na dapat nang mag-goodbye sa politika si Mar Roxas, boom!

◘◘◘

STA. CRUZ CHURCH, NASUNOG, SINUNOG O IPINASUNOG?—Tinupok ng apoy ang Sta. Cruz Church sa Maynila.

Kaya ang tanong: Nasunog, sinunog o ipinasunog ang Catholic Church na ‘yan?

Malalaman ‘yan sa kalalabasan ng pagsisiyasat ng mga arson investigator, abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page