top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Rider nilikida ng riding-in-tandem

Pabs Hernandez III
Apr 21, 2019
1 min read

SOUTH COTABATO—Isang rider ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Balindog, Kidapawan City sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Alwente Tabaosares, nakatira sa Bgy.

Katidtuan, Kabacan, North Cotabato.

Ayon sa ulat, habang lulan si Tabaosares ng kanyang motorsiklo ay biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay din sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima hanggang sa mapatay.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page