Past is past daw, kaya oks lang, Derrick… ARJO, WA' PAKI, TANGGAP KAHIT 'DI SIYA ANG NAKAUNA
- BULGAR

- Apr 21, 2019
- 1 min read

SA nakaraang thanksgiving lunch ng pamilya Atayde sa ilang members ng entertainment press ay natanong ni yours truly si Arjo kung okay lang ba sa kanya na tipong naunang na-link romantically si Derrick Monasterio sa sinasabing syota niya ngayon na si Maine Mendoza?
“Ay, tita, wala na po ako ru’n. Her past is past. Whatever her past, wala po akong masasabi ru’n. Para sa akin, ang mahalaga, ‘yung ngayon,” sagot ni Arjo.
Kunsabagay, may point siya, ha!
‘Yung past chapter of one’s love life, puwede nang gamitin sa Facebook as throwback memories na lang, tsuk pasok!
At ang puwedeng kumanta na lang ng awiting… “Memories… light the corner of my mind… misty watercolor memories of the way we were… Can it be that it was so simple then… or has time rewritten every line if we had the chance to do it all again, tell me would we? Could we?” ay sina Derrick at Maine.
Pero naku, wana morena! Kung si Maine ay meron nang Arjo Atayde ngayon, si Derrick ay meron na ring Ms. Manila, so patas lang sila, tsuk tusok!





Comments