top of page
Pokwang.jpg

Nakamotor utas sa bus

Maeng Santos
Apr 21, 2019
1 min read

ISANG rider ang nama­tay nang masalpok ng bus sa Valenzuela City.

Dead-on-the-spot si Eironn Rascle Bercida, 20, ng Bgy. Dalandanan.

Nakapiit na ang driver ng Golden Dragon Bus na may tem­porary plate number U1L-245 na si Brian Roberto, 37, ng Mey­cauayan, Bulacan.

Alas-11:48 ng gabi, mina­maneho ni Roberto ang pam­pa­sa­herong bus habang binabagtas ang kahabaan ng MacArthur Highway at nang papaliko na ito paka­liwa para gumarahe sa kanilang terminal (Star Bus Terminal) sa Bgy. Malanday nang hindi nito mapansin ang paparating na motor (NC 26322) na minamaneho ng bik­tima. Huli na bago nakon­trol ng bus driver ang preno at nasalpok nito ang motor­siklo. Sumuko naman sa pulisya ang driver na naha­harap sa kaukulang kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page