top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Hirit sa national gov't., potential tourist spot, bigyang-prayoridad!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 21, 2019
  • 1 min read

Nagpunta tayo sa Alaminos City para gunitain ang Semana Santa.

Nagpunta tayo sa Hundred Islands, pero hindi umabot sa 100 isla ang ating nakita!

◘◘◘

Iniaayos ng LGUs ang turismo sa Hundred Islands, pero hindi ito sapat upang maakit ang mga dayuhan.

Kailangan silang tulungan ng DENR at DOT para mapaunlad ito!

◘◘◘

Nasa aircon room ang mga tourism officer at walang nag-aayos ng parking area.

Kahapon, Sabado, 7 behikulo ang stranded dahil nakabalandra ang ilang behi­kulo sa overlapped parking!

◘◘◘

Iniiwan ng tsuper ang behikulo kahit nakabalandra ang mga ito sa ibang sasakyan.

‘Yung isang naipit, dinistrungka ang sasakyang nakabalandra para makalabas.

Inutil ang tourist police, walang pang-towing sa mga sasakyan na nakabalandra!

◘◘◘

Nakapanghihinayang ang Hundred Islands.

Walang kakayahan ang LGUs na iangat ito tungo sa world class tourism destination!

◘◘◘

Ngayon pa lamang, dapat nang tumulong ang DENR at DOT para mapaganda nang todo ang Alaminos.

Isa ito sa potential tourist spot, pero hindi binibigyang-prayoridad ng national government!

◘◘◘

Maging ang Tondol, Anda, Pangasinan ay nabababoy.

Maganda ang Beach ng Tondol, pero marumi ito dahil LGUs din ang kumokontrol.

Hindi ito nalalayo sa maruming Baloy Beach sa Olongapo at Lian sa Matabungkay, Batangas.

Pero, nabababoy na rin ito!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page