top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dahil sa sugal | KATRABAHO TINADTAD

  • Maeng Santos
  • Apr 21, 2019
  • 1 min read

KRITIKAL ang isang factory worker matapos pagsasaksakin ng basag na bote ng kanyang katrabaho sa Valenzuela City.

Ginagamot sa Valenzuela Medical Center sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan si Dennis Parafina Sona, 32, ng Bgy. Lawang Bato.

Nakapiit na ang suspek na si Ronel Diapana Fortes, 32, tubong Dumaguete City, isa ring factory worker.

Alas-10:30 ng gabi, nag-iinuman ang biktima at ang suspek kasama ang ilan nilang katrabaho habang naglalaro ng cara y cruz sa Malinis St., Bgy. Lawang Bato hanggang sa matalo si Ronel.

Siningil ito ni Dennis ng kanyang panalo subalit, nagalit si Ronel na naging dahilan ng kanilang pagtatalo hanggang sa basagin ng suspek ang bote ng alak at inundayan ng saksak sa katawan ang biktima.

Agad isinugod ang biktima ng kanyang mga katrabaho sa naturang pagamutan habang naaresto naman ng mga pulis ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page