Aarestuhin sa korupsiyon EX-PRESIDENT NG PERU, NAGBARIL SA ULO
PATAY ang dating presidente ng Peru na si Alan Garcia matapos umanong magbaril sa sarili bago pa man siya madakip ng mga pulis sa kasong may kaugnayan sa korupsiyon.
Naisugod pa sa ospital at inoperahan ang 69-anyos na si Garcia sanhi ng tama ng bala ng baril sa ulo subalit, namatay din ito.
Nanilbihan ito bilang presidente ng Peru mula 1985 hanggang 1990 at mula 2006 hanggang 2011.
Napag-alamang inimbestigahan ito sa kasong money laundering.
Gayunman, nang dumating ang mga pulis para isilbi ang arrest warrant laban sa kanya sa kanilang bahay ay nagtungo umano si Garcia sa kanyang silid saka ito nagbaril sa ulo.





Comments