top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

21 bahay natupok sa sunog

Pabs Hernandez III
Apr 21, 2019
1 min read

NEGROS OCCIDENTAL—Tinupok ng apoy ang 21 bahay sa naganap na sunog, kamakalawa sa Bgy. Singcang-Airport, Bacolod City sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat, ang sunog ay nag-umpisa sa bahay ng isang Mary Jane Lopez at dahil gawa sa light materials ay mabilis na natupok ng apoy ang 20 pang kabahayan sa naturang barangay.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid ang sanhi ng sunog sa bahay ni Lopez.

Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na sunog at sa ngayon ay inaalam na rin ang halaga ng mga ari-arian na napinsala sa nasabing insidente.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page