Tulak timbog sa drug-bust
Pabs Hernandez III
Apr 18, 2019
1 min read
NUEVA ECIJA—Isang drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. San Vicente, Gapan City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Robert Cabatuando, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang pulisya ng ilang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Cabatuando na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments