top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Opisyales ng MWSS, ‘di handa sa 'krisis sa tubig' na epekto ng El Niño?!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 18, 2019
  • 2 min read

BAGAMA’T, nakaranas ng kaunting ulan ang lungsod noong Biyer­nes, hindi ito sapat para maibsan ang matinding uhaw na nararanasan ng mga halaman at pananim sa lalawigan, pati na rin ang kinakailangang supply ng tubig sa Metro Manila. Sa kabila ng pahayag ng malalaking kumpanya ng tubig na malaking porsiyento ng lungsod ay normal na ang supply, maraming lugar pa rin ang nakara­ranas ng biglaang pagka­wala ng supply ng tubig. Aminin natin, hindi magiging normal ang suplay ng tubig hanggang dumating ang ulan.

Gayunman, binati­kos ni Pangulong Rod­rigo Duterte ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Board. Sa isang talumpati sa Bu­kidnon, pinagmumura nito ang Board ng nasabing ahensiya kung bakit hindi umano napaghandaan ang El Niño, eh, halos taun-taon naman ay nagaga­nap ito sa bansa? Tat­long taon na ang admi­nistrasyong ito, siguro naman alam na nila ‘yan. Dagdag pa ni Pangulong Duterte, tila kumilos lang ang nasabing Board nang magbanta na bibisitahin sila. Ano kaya ang susunod na mangyayari, matapos nitong mura­hin? Hmmm…

Nangako si DFA Sec. Teodoro “Teddy Boy” Locsin, Jr. na hindi umano natin lilisanin ang naging desisyon ng The Hague hinggil sa exclusive economic zone sa karagatan. Hindi rin binigyan ng halaga ng nasabing desisyon ang Nine Dash Line ng China kung saan halos buong karagatan ay inang­­kin, pero sa kabila ng mga pahayag, hindi raw dapat pinagtatalunan ang isyu ngayon dahil nakapagbitaw na ng mga salita ang dalawang bansa.

Hindi rin umano isi­nantabi ng administras­yong Duterte ang desisyon para maging malapit sa China. Ka­ilangang makita at marinig ‘yan. Hindi lang ang mga de-kahong pahayag mula sa Pa­lasyo. Kailangan sabihin ‘yan mismo ni Pangulong Duterte kay Chinese President Xi Jinping para malinaw at wala nang mahabang istorya. Nakababahala na ang mga ikinikilos ng China sa Pag-asa Island kung saan tila pinalili­giran ng kanilang mga barko ang isla at kasama pa ang kanilang coast guard at navy. Hindi ito normal na kilos ng mangingisda, kung mga mangingisda talaga sila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page