top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nagpaalam na raw kay Joey… WINWYN, LILIPAD PA-JAPAN DAHIL MAY KINAHUHUMALINGANG LALAKI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 18, 2019
  • 1 min read

STAYCATION lang sa Holy Week ang Kapuso star na si Winwyn Mar­quez dahil pinagha­han­daan na niya nang husto ang bago niyang serye sa GMA Network, ang Dahil sa Pag-Ibig kasa­ma sina Sanya Lopez, Pancho Magno at Benjamin Alves, na ididirek ni Ricky Davao.

Nakapisan sa kan­yang Daddy Joey Mar­quez si Winwyn kaya obligado siyang magpa­alam kapag umaalis ng bansa. May naka-schedule na siyang bakasyon sa Japan, Korea at Europe.

Solo lang siya sa biyahe niya sa Japan da­hil manonood siya ng concert ng pabo­rito niyang Korean boyband, ang BTS.

Sa June naman siya pupunta sa Korea at ang Europe trip niya ay sa November ang schedule.

Kaya, minabuti na ni Winwyn na huwag nang mag-out of town ngayong Semana Santa. Ilang araw na lang kasi ang ipaghi­hintay niya.

Mas nakatutok ngayon si Winwyn sa Dahil sa Pag-Ibig dahil bukod sa may pagka-sexy ang role niya ay super daring pa.

Ikagugulat daw ng lahat ang mga eksenang gagawin niya. Sobrang nai-enjoy ni Winwyn ang buhay niya ngayon bilang “single”. Malaya niyang nagagawa ang lahat.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page