Lakan Takhan VS Westeros sa “3 YO”

MAGHAHARAP ang dalawang mahuhusay na tatlong taon gulang na kabayo, ang Lakan Takhan at Westeros na siyang pinapaboran sa nalalapit na paghaharap sa 2019 PHILRACOM “3 Year Old Local Fillies and Colts” sa Saddle & Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite sa Abril 21.
Makakaharap nina Lakan Takhan at Westeros ang 10 mananakbo tulad ng Barayong, Gepnits, Gil’s Magic, Mount Dulag Dulag, My Jopay, Oktubre Katorse, PeterSaints, The Accountant, Toy for the Bigboy at Two Timer.
Sa mga katunggali, tanging ang Two Timer, Gil’s Magic, Toy for the Bigboy, Dulag, Oktubre Katorse at The Accountant ang makikita sa laban. Magtatagisan ng lakas at galing ang mga kalahok sa distansiyang 1,600 meters at may kabuuang papremyong P1-milyon sa unang apat na makatatawid sa finish line.
Tatanggap ng unang premyong P600,000 ang tatanghaling kampeon habang P225,000 para sa 2nd place, tatanggap namaan ng P125,000 ang magiging 3rd place at P50,000 para sa 4th place. Tatanggap naman ng P30,000 ang breeder ng mananalong kabayo.
Ang nasabing pakarera ay paghahanda sa pagharap sa higit na malaking labang gaganapin sa 2019 Philracom Triple Crown Championship sa susunod na buwan. Sinasabing ang Lakan Takhan at Westeros ang siyang binibigyan ng kalamangan sa mga kalaban.





Comments