top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kahit Mahal na Araw na, may nanraraket pa rin, susmaryosep!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 18, 2019
  • 2 min read

NUTRIBUN, BLISS AT KADIWA, IBABA­LIK NI IMEE —Sakaling manalong se­nador, nais daw ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na maibalik ang tatlong importanteng programa ng kanyang erpat na si ex-Pres. Ferdinand Marcos, Sr. at ito ay ang nutribun, bliss at kadiwa.

Aba, good ‘yan kasi sa totoo lang sumigla ang kalusugan ng mga batang nag-aaral noon sa mga public school dahil sa masusustansiyang nutribun na libreng ipinakakain sa kanila ng gobyernong Marcos noon at may panulak pa itong gatas, bliss na isang uri ng matibay na pabahay na murang pinahuhulugan sa mga maralita at kadiwa para bumaba ang presyo ng mga bilihin, palak­pakan naman d’yan!

◘◘◘

BINUHAY NA ISYU NG SAF 44, TIYAK MAKAA­A­PEKTO SA KANDI­DATURA NI MAR —Ngayong panahon ng eleksiyon, binuhay ni P-Duterte ang isyung pagkamatay ng SAF 44 at ang sinisisi niya sa masaker na ito ay ang magkaibigan at magkapartido sa LP na sina ex-P-Noy at ex-DILG Sec. Mar Roxas.

Ang pagbuhay ni P-Duterte sa isyung ito ay tiyak na makaapaekto sa kandidatura ni Mar kasi sa totoo lang, milyun-milyong Pinoy ang nagalit noon sa kapabayaan ng Aquino gov’t. kaya nagawa ng MILF noon na imasaker ang SAF 44, period!

◘◘◘

SIBAKIN NA ANG MGA MWSS OFFICIAL, NOW NA!—Plano umano ni P-Duterte na sibakin ang lahat ng opisyales ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Aba, dapat lang kasi sa sobrang kapabayaan sa posisyon ng mga taga-MWSS ay nagkakaroon na naman ng water shortage sa Metro Manila, buwisit!

◘◘◘

NGAYONG MAHAL NA ARAW, MAY NANRARAKET SA CALAMBA CITY—Namamayagag daw ang raket na drop balls at color games nina “Jonel” at “Prinza” sa Calamba City, Laguna.

Sobrang bad naman sina “Jonel” at “Prinza” kasi ngayong mismong “Mahal na Araw” ay niraraket ang mga taga-Calamba City, susmaryo­sep!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page