top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

DIONES, TOLEDO, OBIENA AT CRAY, KAKAMPANYA SA SEAG

Clyde Mariano
Apr 18, 2019
2 min read

PANGUNGUNAHAN nina gold medalists Mark Harry Diones, Aries Toledo, Ernest John Obiena at double gold winner Brazil Olympian at Asian Athletics middle distance champion Fi­lipino-American Eric Shauwn Cray ang kampanya sa athletics sa 30th edition 11-nation Southeast Asian Games na lalarga sa Nob­yembre sa bagong gawang New Clark City Sports Complex.

Sina Diones, Toledo, Obie­na at Cray ay nagsabi ng kanilang kahandaan at determinadong panatilihin ang pagdomina sa kanilang paboritong events at pasa­yahin ang mga ka­babayang umaasa sa kanilang tagum­pay.

Nanalo si Diones sa triple jump, si Toledo sa de­cathlon at Obie­na sa pole vault habang si London World Athletics ve­teran Cray ay nanalo sa 100m at 200m sa Singapore at pilak sa 100m sa Malaysia.

Sinabi ng tatlo na han­dang-handa nilang harapin ang mga title pretenders at ipinangako nila na hindi basta makukuha sa kanila ang ko­rona nang walang laban.

“Pinaghandaan ko ito nang husto. Araw-araw nage-ensayo ako ka­sama ang aking team­mates,” sabi ni Diones na hi­nasa at pinaga­ling ni multi-titled coach Jojo Posadas matapos matukla­san ang kanyang angking ga­ling sa pagtalon sa Bicol.

Sina Diones, Toledo, Obiena at Cray kasama ang SEA Games-bound athletes ay kasalukuyang nagte-training sa Narciso Ramos Stadium sa Lingayen.

Si Diones ay naging two times MVP sa NCAA noong 2013 at 2015 at tinulungan ang Jose Rizal University sa pagkuha ng limang sunod na overall champion sa athletics from 2010 to 2015 at naging best athlete ng JRU.”He is perfect in his favorite events triple jump and long jump. He has the height, 5-11, at ma­haba ang mga paa,” ani Posadas.

Kung matatandaan nag­tala si Diones ng dalawang Philippine records sa triple jump, 16.70 meters at binura ang lumang markang 17.43 meters na hawak ni Jesse Be­lebestre sa National Open Invitational Athletics at ti­nalo sina Muhammad Ha­kimi ng Malaysia (16.06 me­ters) at Sanjaya Sandaruwan (15.69 meters) ng Sri Lanka.

Binura niya ang kanyang lumang record na 16.29 meters sa triple sa UItra.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page