top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

CLIFF DIVING SA PALAWAN, CHAMP SINA IFFLAND AT HUNT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 18, 2019
  • 1 min read

PANOORIN ang bagong aabangan ng sports fan sa Linggo (Abril 21) ang aksyon mula sa unang leg ng Red Bull Cliff Diving World Series na ginanap sa bansa kamakailan lang sa ABS-CBN S + A.

Dalawampu’t tatlong mahuhusay na diver mula sa 18 bansa ang tumalon at tu­mambling sa ere mula sa matataas na lugar sa El Nido Palawan para um­pisahan ang ika-11 na season ng kompetisyon. Nanguna sa men’s divi­sion ang kampeon noong 2018 na si Gary Hunt, na pitong beses na ring nagwawagi sa kompetisyon, sa iskor na 427.25 points. Sinundan ang pam­bato ng Great Britain nina Constantin Popovici ng Romania na pumuntos ng 409.4, at Jonathan Paredes ng Mexico, na pumangatlo sa puntos na 408.05.

Namamayagpag naman sa Women’s World Series ang reyna nitong si Rhiannan Iffland ng Australia na may 329.25 na puntos. Dinaig niya si Yana Nestsiarava ng Belarus na may 319.35 na puntos, at Lysanne Richard ng Canada na may 309.7 puntos.

Nagsimula ang Red Bull Cliff Diving World Series noong 2009 kung saan ibinida nito ang kakaibang kakayahan ng mga atleta sa diving. Tinitingnan ng mga hurado ang galing at husay ng pagtalon, pwesto sa ere, at pagbagsak sa tubig ng mga kalahok. Sa tagumpay ng event, sinimulan rin ang Women’s World Se­ries noong 2014.

Sunod na lilipad ang mga diver ng Red Bull Cliff Diving World Series sa Ireland, Italy, Portugal, Lebanon, Bosnia at Herzegovina, at Spain sa pagpapatuloy ng kompetisyon. Panoorin ang kanilang naging laban sa ganap na 6 pm. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page