Bataan Nuclear Power Plant, kung itinuloy malamang, sapat ang suplay ng elektrisidad sa bansa
- BULGAR

- Apr 18, 2019
- 2 min read
MARAMI na ang magbabakasyon ngayon sa mga lalawigan.
Magbabalik ang maraming alaala nang lumipas!
◘◘◘
ISANG eksena sa panahon ng ating kabataan ay ang pamumudmod ng nutribun sa mga estudyante.
Sa totoo lang, may kasama pa ‘yan na libreng powdered milk na may markang “KLIM”, trigo at noodles.
Pero, ‘yan ay naganap noong panahon ni ex-P-Marcos.
Ngayon, mayroon bang ganyang eksena?
◘◘◘
‘YUNG sako ay may litrato ng “dalawang kamay na magkahawak, ang isang braso mula sa kaliwa at ang isang braso ay mula sa kanan na may disenyo ng Watawat ng Pilipinas at U.S.A
Kilala ito bilang USAID!
◘◘◘
UNANG inendorso ng United States Agency for International Development (USAID) ang nutribun matapos ma-develop ng grupo ng mga dalubhasa sa nutrisyon at agraryo mula sa Virginia Polytechnic Institute and States University noong mga panahong ‘yun.
Ipinamahagi ang nutribun sa mga mahihirap na bansa sa ilalim ng USAID Food for Peace Program!
◘◘◘
NOONG panahon din ni ex-P-Marcos ang mga inobasyon at programa na direktang nakatutulong sa mamamayan.
Kabilang dito ang Kadiwa, Bliss, Bagong Lipunan Tenement at Botika sa Barangay.
‘Yan ang binabanggit nating ‘Tatak Marcos’!
◘◘◘
SA totoo lang, nananatiling nasa Magic 12 sa senatorial survey si Gov. Imee hindi lang dahil sa aktuwal nitong performance sa Ilocos Norte kundi dahil na rin sa markadong programa ng kanyang yumaong ama.
Umaasa ang mamamayan na ang epektibong programa noon ni ex-P-Marcos ay ipagpapatuloy ng kanyang anak!
◘◘◘
TUMITINDI ang suporta kay Gov. Imee kasi iniendorso rin siya ng anak ni P-Digong na si Mayor Sara.
Ibig sabihin, hindi lang ang norte ang balwarte ni Manang Imee kundi maging ang Mindanao at Visayas!
◘◘◘
WINASAK, inabandona at ibinasura ng mga pumalit kay ex-P-Marcos ang epektibong programa na ipinundar sa loob ng mahigit 20 taon kabilang dito ang Bataan Nuclear Power Plant.
Kung itinuloy ito, dapat sapat ang suplay ng elektrisidad sa bansa.
Lahat ng mauunlad na bansa sa daigdig ay may nuclear plant!
◘◘◘
NGAYON, isinusulong naman ang matagumpay na windmills at solar power plant sa Ilocos Norte.
‘Yan ang panibagong Tatak Marcos na mabibiyayaan ang buong bansa sa mga susunod na panahon!





Comments