Ayaw makipagbalikan | BABAE, TINODAS NG EX


PATAY ang 28-anyos na babae matapos tadtarin ng dating kinakasama na gustong makipagbalikan sa Sta. Cruz, Davao del Sur.
Kinilala ang biktima na si Roann Jelyn Saplagio, na papasok sa trabaho nang abangan ng dating kinakasamang si Ramil Eblacas.
Isinugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit, hindi na rin umabot nang buhay.
“Flinag-down niya ‘yung tricycle then pagbaba ng live-in partner niya, nagkaroon sila ng argument, nag-away sila. From there, sinaksak na niya ang ka-live-in niya,” ayon kay Police Captain Mary Grace Martinez, Chief ng Sta. Cruz Police.
“Huling sinabi niya sa akin, tumawag siya sa akin na may lalaki siya. ‘Yun ang sabi niya sa akin. Tinanong ko rin ang kasama niya sa trabaho na lalaki na kung may syota, kung gaano katotoo. Sabi niya, meron daw taga-Astorga,” saad ng suspek.
Ayon sa ina ng biktima na si Anne Saplagio, ayaw umanong makipagbalikan ng biktima sa suspek hindi dahil may iba itong karelasyon kundi dahil nananakit ito.
“Pinapa-file sana ng kaso pero ayaw niya kasi naaawa siya sa ka-live-in niya. Sabi ko, ikaw naaawa pero siya walang awa sa iyo,” kuwento ng ina ng biktima.
Nahaharap sa kasong murder ang suspek na nasa kustodiya na ng pulisya. (BRT)





Comments