top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

4 SCHOOLS, HANDA NA SA SEMIFINALS NG NCRAA

A. Servinio
Apr 18, 2019
2 min read

KUMPLETO na ang apat na paaralang pasok sa semifinals ng 26th National Capital Region Athletic As­sociation (NCRAA) Juniors Basketball tournament sa pagwakas ng quarterfinals noong Lunes sa Saint Joseph Gymnasium ng Pasig Ca­tholic College.

Kinailangan ng National College of Bu­siness and Arts ang overtime para talunin ang Immacu­lada Concep­cion College, 90-88, sa tam­pok na laro.

Si Matthew John Sayson ang nagpatabla ng talaan sa pamamagitan ng kanyang tres sabay tunog ng busina ng huling quarter, 80-80. Mula roon, nagbuhos ng todo sina Aeron Verbo, Jo­nash Villas, Mark Froilan Nebre at Sayson sa dagdag na 5 minuto.

Nanatiling parehong wa­­lang talo ang Lyceum of the Philippines University-La­guna at Immaculate Con­ception Academy-EAC ma­tapos nilang tambakan ang kanilang mga kalaro. Wina­kasan ng LPU ang kam­panya ng De La Salle Uni­versity-Dasmariñas, 94-80, habang pinalubog ng ICA-EAC ang Philippine Mer­chant Marine School, 91-73.

Sa isa pang quarterfinal, agad tinalo ng Saint Francis of Assisi College ang Pasig Catholic College, 91-65.

Nagsabog ng 34 puntos si John Matthew Santos para sa Junior Doves. Ang semi­finals ay gaganapin sa Abril 22 sa NCBA-Fairview kung saan magtatapat ang NCBA at ICA-EAC at ang LPU at Saint Francis.

Ang mga mag­wawagi ay maglalaro para sa kam­peonato sa Abril 24 sa Pasig Catholic College.

Samantala, nagsimula na ang torneo ng NCRAA sa Volleyball noong Martes sa NCBA-Fairview. Sini­mu­lan ng NCBA Lady Wild­cats ang depensa ng kanilang ko­rona sa pagwalis sa Centro Escolar University sa apat na set, 25-15, 25-17, 26-28 at 25-18.

Kasama rin sa mga na­nalo ang DLSU-D kontra Asian Institute of Maritime Studies (25-13, 25-13 at 25-17) at Immaculada Concep­cion College laban sa Oliva­rez College (25-23, 22-25, 28-26 at 25-21).

Sa panig ng kalalakihan, tagumpay ang PMMS kon­tra AIMS sa limang set (19-25, 22-25, 25-16, 28-26 at 17-15), wagi ang DLSU-D sa CEU (25-20, 25-20 at 25-19) at dinaig ng NCBA ang EAC-Cavite (25-17, 25-19 at 26-24).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page