4 Abu Sayyaf nasakote
ZAMBOANGA CITY—Apat na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang nadakip ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Talabaan sa lungsod na ito.
Nakilala ang mga suspek na sina Jainab Ibrahim, Aburarafi Danial, Khadeeja Janial at Fatima Narimen, pawang miyembro ng ASG na nakabase sa Western Mindanao.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang granada at kagamitan sa paggawa ng bomba sa pag-iingat ng mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad sa naturang lugar.





Comments