top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Tinaga sa batok | KELOT DEDBOL SA KATRABAHO

Levi Gonzales
Apr 17, 2019
1 min read

TODAS ang 26-anyos na construction worker matapos tagain sa batok ng kanyang katrabaho sa Bgy. San Andres, Atimonan, Quezon.

Pasado alas-6:00 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Frederick Nolasco, ng kanyang katrabaho sa higaan kung saan sila kapwa natutulog sa ginagawa nilang eskuwelahan.

Bago umano naganap ang krimen, magkakasama pa silang nag-iinuman kasama ang suspek na si Jojie Desalisa, 20, construction worker.

Nagbiro umano ang biktima habang hawak nito ang patalim at sinabing papatayin siya nito sabay tutok sa kanyang leeg.

Naawat umano ng mga kasamahan ang tangka nito sa suspek at sinabing nagbibiro lamang siya.

Matapos ang kanilang inuman, kanya-kanya silang hanap ng puwestong matutulugan hanggang kinabukasan ay nadiskubre ang wala nang buhay na biktima.

Sa follow-up operation ng mga aworidad, agad nasakote at positibong ang suspek ang responsable sa krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page